FAQs
Payment Options
- Anu-ano ang mga payment options sa CHINKTV?
· Direct Bank Transfer to BDO
· Online payment: (Credit Card, Debit Card, PayPal)
- Saan ise-send yung proof of payment?
May 2 paraan, una maaaring i-send ang photo ng proof of payment sa FB Page via messenger sa ganitong format:
· Clear photo of proof· Name
· FB Name
· Email Address
· Order Number
· Transaction Code (for Palawan Express)
Ang pangalawa naman ay via email. I-send lamang ang parehong format sa orders@chinkpositive.com
- Saan makikita ang order number at ano ito?
Ang Order Number ay ang unique customer number para malaman at makita namin ang iyong chinkshop or chinktv account.
Makikita ito agad pagkatapos mong i-click ang “Order Complete” sa Chinkshop at ChinkTV. Maaari mo rin itong makita sa iyong email na iyong ginamit sa pag-purchase.
Mahalaga ang order number dahil kung ikaw ay may katanungan o concern ay mas madali naming mata-track ang iyong order.
- Maaari bang magbayad agad bago mag-order?
Hindi. Hinihikayat namin ang lahat na mag-order muna bago magbayad. Ito rin ay mahalaga upang magkaroon kayo ng order number at mas madali naming makita ang inyong order sa aming system.
Online Courses
- Anong pinagkaiba ng Chinkshop at ChinkTV?
Ang chinkshop ay ang store ni Chinkee Tan para sa mga libro, ebooks and other merchandise.
Ang ChinkTV naman ay ang Netflix of Financial Education. Narito ang mga online courses ni Chinkee Tan na may one year access.
- May ALL ACCESS na ako, kasama na ba ang mga future seminars dito pag nag-register ako today?
Yes. Maisasama sa All Access ang mga future online seminars pero depende pa rin ito sa demand ng course kung isasama ito sa All Access.
- Bakit wala akong option to change my ChinkTV password?
Walang reset password sa social login dahil tanging sa Google or Yahoo lamang maaaring magpalit ng email password. Kung ikaw ay nagpalit ng email password, mag-request lamang ng activation mula sa aming team via email or via fb message.
- Pwede bang mapanood ang mga online courses kahit saan device?
Yes. Maaaring gawin ito as long as naka-login ang iyong email sa device na gagamitin mo.
- May error message na: “This content is protected, but it doesn't look like you have access. You need to purchase the course to gain access. Click here to browse all our available courses.” Ano ang maari kong gawin?
Lalabas lamang ito kung hindi pa bayad ang iyong biniling online
course. Kung sa tingin mo ay bayad ka na, tingnan mo uli kung tama
ba ang ginamit mong email sa pag login dahil lalabas din itong error
message kung ibang email ang ginamit mo sa pag-register at sa pag-
login mo ngayon.
- Hanggang kailan ang access ko sa Online Courses?
One year ang access mo sa mga online courses ni Chinkee Tan sa ChinkTV.
- Team abroad ako pwede ba ‘ko mag enroll sa ChinkTV?
Yes. Maaari kang mag-enroll sa ChinkTV kahit nasa ibang bansa ka dahil maa-access mo ang ChinkTV via online.
- Nasunod ko naman ang instructions pero bakit ayaw pa rin ma-access account ko?
Maaaring naiba ang iyong email password o kaya naman ay may double account ka sa ChinkTV. Kapag ganito, kailangan lamang ay mag-activate account. Maaaring mag-request nito via email sa support@chinkpositive.com or mag-send ng message sa FB Page messenger.
- Paano gamitin and coupon code sa CHINKTV?
Maaaring naiba ang iyong email password o kaya naman ay may double account ka sa ChinkTV. Kapag ganito, kailangan lamang ay mag-activate account. Maaaring mag-request nito via email sa support@chinkpositive.com or mag-send ng message sa FB Page messenger.
- Makatatanggap ba ako ng Certificate sa Online Course?
Yes. Just send us a request kasama ang iyong order number at pangalan para magawan ka ng Certificate.
Digital MoneyKit
- Paano gamitin ang All Access discount code sa Digital Moneykit?
Step 1: Click this link: http://bit.ly/2F9SOyr
Step 2: Click "Add to cart" and then fill out your personal details
Step 3: Enter All Access discount code and click "Apply"
****Makikita mo ang All Access discount code sa iyong email na iyong ginamit sa pag-order ng Digital MoneyKit
Step 4: Click "Enroll Now" to complete the purchase
Step 5: You can now watch ALL the courses online
- May limit ba ang paggamit ng All Access discount code?
Yes. Once per customer ang paggamit ng discount code.
- Ano ang ibig sabihin ng 0 download attempts?
Ibig sabihin nito ay nakapag-download ka ng 5 beses kaya ubos na ang remaining download attempts.
- Ano ang gagawin ko kapag 0 download attempts na ang All Access Discount Code?
Pumunta lamang sa ChinkTV.com para maka-login gamit ang iyong email sa pagregister.
- Bakit hindi ako maka-login sa ChinkTV?
Maaaring nade-detect ng social login ang email na naka-register sa browser mo. Kung hindi ito gumagana, maaaring gumamit ng ibang personal email. Tanging gmail at yahoo lamang ang maaaring gamitin.
- Kailangan ba na pareho ang Chinkshop at ChinkTV email na ginamit ko sa pag-purchase?
Mas advisable na magkapareho ang email na gagamitin mo para hindi na rin nakalilito.
- Pwede ba sa cellphone ang digital moneykit?
Yes. As long as may epub reader at pdf reader ka sa smart phone mo.